^

PM Sports

Brickman nagpasikat na naman

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ayaw paawat ni Fil-Am Jason Brickman sa pagpapa­siklab sa Taiwan matapos trangkuhan ang Kaohsiung Aquas sa 102-77 panalo kon­tra sa Tainan TSG GhostHawks sa T1 League.

Kumamada si Brickman ng 16 puntos, walong assists, apat na rebounds at da­lawang steals para sa ika­­­lawang sunod na panalo ng Aquas upang mapatatag ang kapit sa liderato bitbit ang 18-6 kartada.

Nauna nang tinalo ng Kaohsiung ang Tainan, 103-93, noong nakaraang linggo sa likod ng season-best 19 assists ni Brickman sahog pa ang 16 markers at anim na rebounds.

Hangarin ni Brickman at ng Aquas na tuluyan nang makopo ang top seed kontra sa New Taipei CTBC DEA sa Linggo.

Nakakuha ng suporta si Brickman kay Mindaugas Kupsas na naglista ng 19 mar­kers,12 boards, dalawang assists at dalawang blocks, habang may limang tres para sa 15 puntos si Yu Huan-ya.

Humakot ng 21 at 20 pun­tos sina Jordan Chatman at dating Ginebra import Charles Garcia, ayon sa  pag­ka­­kasunod, para sa Tainan na sumadsad sa 4-19 kartada.

 

 

vuukle comment

BRICKMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with