Naudlot si Amir Khan kay Pacquiao
MANILA, Philippines — Si dating world champion Amir Khan sana ang makakalaban ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa kanyang naudlot na farewell fight.
Ito ang inihayag ni MP Promotions chief Sean Gibbons kung saan plantsado na sana ang lahat para sa blockbuster fight nina Pacquiao at Khan.
Plano sana itong ganapin sa Enero o Pebrero sa susunod na taon sa Dubai, United Arab Emirates pero hindi na natuloy matapos magdeklara si Pacquiao ng pagtakbo sa Presidential Election sa 2022.
Nagpasya si Pacquiao na tuluyan nang iwan ang mundo ng boksing upang maituon ang kanyang atensiyon sa buhay pulitika.
Kaya naman walang nagawa ang buong Team Pacquiao kundi ang suportahan ang naging desisyon ng tinaguriang Pambansang Kamao.
“It’s supposed to be in Dubai, United Arab Emirates. It was done. We already talked to British promoter Eddie Hearn,” ani Gibbons.
Inamin din ni Matchroom Sport chief Eddie Hearn na nakikipag-usap ito sa kampo ni Pacquiao para sa huling laban ng Pinoy champion kontra kay Khan. “I was in talks with Amir to make the Manny Pacquiao fight about four weeks ago with Sean Gibbons before he (Pacquiao) made the decision to retire.
- Latest
















