^

PM Sports

Rampa ng anak ni Vergel

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Mula sa pagiging miron, sa sariling pagbibida sa hardcourt at ang kanyang shift sa rampa.

Ito ang lakbaying tinatahak ni Roni Meneses, varsity baller na tumalon sa pageant scene at sumusubok ngayon na mapanalunan ang Miss Philippines Earth crown sa July 25.

At nabaligtad na ang sitwasyon.

Pagkatapos igugol ang mahabang panahon ng kanyang kabaatan na masugid na cheerer ng kanyang tatay, ang tatay ngayon na si former PBA MVP winner Vergel Meneses ang No. 1 supporter ni Roni.

All-out ang suporta ni Vergel dahil naniniwala ang kasalukuyang Bulakan, Bulacan Mayor sa mabuting hangarin ng anak.

“Hindi niya pinabayaan ang kanyang pag-aaral. Honor student silang magkapatid sa Poveda at UP. Kaya noong humingi ng permiso na sasali sa Miss Earth, di ako nag-atubili na suportahan siya kasama ang kanyang Ate Via,” ani Mayor Vergel.

Tapos ng kanyang kurso sa UP Diliman at may sariling clothing brand, RM Couture at RM Kitchen, ang isa sa pride and joy ni Mayor Vergel.

At dala-dala ni Roni sa Miss Philippines Earth pageant ang experience na nakuha sa pagsali at pagkakapanalo sa Miss Mandaluyong.

“My main goal is to educate and encourage other people to start becoming more aware of the different environmental issues and situations the Earth is facing, and to start acting accordingly; making a conscious effort in trying to have a greener and more sustainable lifestyle for the protection and preservation of Mother Earth,” ani Roni.

vuukle comment

MISS PHILIPPINES EARTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with