Pasaol, Santillan magbabanggaan
MANILA, Philippines — Mula sa dating magkasangga, magiging magkabangga na ang 3x3 boys pag-akyat nila sa PBA matapos ang 2021 Rookie Draft sa Marso 14.
Hindi na makapaghintay si Alvin Pasaol na makilatis ang kanyang galing kontra sa mga dating kakampi sa pangu-nguna ng long time teammate bago pa ang 3x3 na si Santi Santillan.
“Mas excited akong makalaban si Santi sa kanya-kanya naming PBA team,” sabi ng da-ting UE superstar.
Matapos ang panahon nila sa UAAP, nagtambal sina Pasaol at Santillan sa Marinerong Pilipino sa PBA D League at sa Zamboanga Family Sardine’s sa MPBL bago sila tumungo sa Chooks-to-Go Pilipinas 3x3.
Doon ay nakasama nila sa pagrepresenta sa bansa at iba’t ibang siyudad sina Troy Rike, Franky Johnson, Taylor Statham at potensyal no.1 pick na si Joshua Munzon.
Bukod sa mga dating kakampi, sabik na ring makapagpasiklab ang 25-anyos na si Pasaol sa mga pinakamagagaling na manlalaro ng bansa na magiging katuparan ng kanyang pangarap para sa pamilya.
Samantala, nais sundan ni Kenneth Mocon ang kapatid na si Javee ng Rain or Shine matapos sumali sa bigating draft kahapon.
Naglaro rin sa San Beda ang nakakatakdang kapatid ni Javee bago sumalang sa PBA D League para sa Wangs Basketball at sa MPBL para sa Davao Occidental Tigers.
Umaasa si Kenneth at Javee na maging pinakabagong brother duo sa PBA matapos mapili si San Beda superstar Javee bilang 6th overall pick ng Elasto Painters noong nakaraang taon.
May hanggang Ene-ro 27 pa para magpasa ng aplikasyon sa draft ang iba pang talent mula sa collegiate, amateur at overseas ranks.
- Latest