Kuzma gumana sa lakers win
LOS ANGELES — Sinamantala ni Kyle Kuzma ang pagbibigay sa kanya ng mahabang playing time bilang kapalit ni injured Anthony Davis.
Nagpasabog si Kuzma ng 20 points sa first half, habang may 18 markers si LeBron James para tulungan ang nagdedepensang Lakers sa 127-91 pagpapabagsak sa Minnesota Timberwolves.
Hindi naglaro si Davis para sa Lakers dahil sa kanyang bruised calf, gayundin si Karl-Anthony Towns (dislocated left wrist) sa panig ng Timberwolves.
Pumitas naman si center Marc Gasol ng 12 points, 8 assists at 7 rebounds para sa Lakers.
Sa New York, nilamog ng Knicks ang bigating Milwaukee Bucks, 130-110, tampok ang 29 points, 14 rebounds at 7 assists ni Julius Randle, habang tumipa si Elfrid Payton ng 27 markers.
Humakot si superstar Giannis Antetokounmpo ng 27 points at 13 rebounds sa panig ng Bucks, nagmula sa 39-point win sa Golden State noong Christmas Day.
Sa Chicago, nagsalpak si Damion Lee ng isang three-pointer sa huling 1.7 segundo ng laro para itakas ang Warriors laban sa Bulls, 129-128.
Kumamada si Stephen Curry ng 36 points para sa Golden State, samantalang tumapos si Lee na may 12 points mula sa 4-for-5 shooting sa 3-point line.
Sa Washington, umiskor sina Markelle Fultz at Terrence Ross ng tig-26 points para pamunuan ang 120-113 paggupo ng Orlando Magic sa Wizards.
- Latest