^

PM Sports

Rockets hinugot si Cousins; Morris bumalik sa Lakers

Pang-masa
Rockets hinugot si Cousins; Morris bumalik sa Lakers

HOUSTON -- Sa inaasahang pag-alis nina star guards James Harden at Russell Westbrook ay kinuha ng Rockets si big man DeMarcus Cousins.

Pinapanalisa na ng Houston ang pagpapalagda kay Cousins, nauna nang pumirma sa NBA champions Los Angeles Lakers sa nakaraang season bago nagkaroon ng knee injury sa kanilang workout, sa isang one-year veterans minimum deal.

Kinukuha rin ng Rockets si big man Christian Wood mula sa Detroit Pistons.

Tinanggihan ni Har­den ang alok na $103 million extension ng Houston sa kanyang inaasahang paglipat sa Brooklyn Nets habang nagha­hanap ng bagong koponan si Westbrook.

Magbabalik naman si forward free agent Markieff Morris sa Lakers matapos pumayag sa one-year minimum deal na nagkakahalaga ng $2.3 milyon.

Kamakailan ay hi­nablot ng Lakers si Montrezl Harrell mula sa Clippers.

Sa Toronto, kinuha ng Raptors si free agent center Alex Len, naglaro para sa Phoenix Suns, Atlanta Hawks at Sacramento Kings.

Ito ay matapos lumipat sina big men Marc Gasol sa Lakers at magtungo si Serge Ibaka sa Clippers para muling makasama si Kahwi Leonard.

Sa New Orleans, pinapirma ng Pelicans si center Steve Adam sa two-year extension na nagkakahalaga ng $35 milyon.

Sa Cleveland, magbabalik si guard Matthew Dellavedova sa Cavaliers makaraang pumayag sa one-year, $2.17 million minimum deal.

DEMARCUS COUSINS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with