Antetokounmpo may minor knee sprain
PHOENIX — Nagkaroon si reigning MVP Giannis Antetokounmpo ng minor knee sprain aat hindi makikita sa dalawang laro ng Milwaukee Bucks.
Inihayag kahapon ng Bucks na sumailalim si Antetokounmpo sa MRI at nakita sa evaluation na mayroong minor joint capsule sprain ang star forward sa kanyang kaliwang tuhod.
Hindi naglaro ang 6-foot-11 superstar sa pagkatalo ng Milwaukee laban sa Suns at muling uupo sa kanilang pagsagupa sa Denver Nuggets ngayon.
“The way they described it to me is we’ll see how the next few days go and kind of evaluate him and see where he is then,” sabi ni Bucks coach Mike Budenholzer.
Bumagsak si Antetokounmpo sa 103-113 kabiguan ng Milwaukee sa Los Angeles Lakers noong Biyernes.
- Latest