Nisperos impresibo ang inilaro
MANILA, Philippines — Unang pagsabak pa lamang sa women’s volleyball ng UAAP Season 82 ay matayog agad ang inilapad ni rookie sensation Faith Nisperos matapos tulungan ang Ateneo Lady Eagles na madagit ang unang panalo kontra sa UP Lady Maroons noong Miyerkules.
Isa si Nisperos sa inaabangan ng collegiate volleyball fans ngayong taon dahil sa matagumpay na karera niya sa high school at hindi naman niya binigo ang mga ito nang mag-ambag ng 10 points para magarbong simulan ng Ateneo ang title defense.
Umariba man sa kanyang seniors debut ay aminado si Nisperos na bahagya siyang kinabahan sa mga unang minuto ng laro.
“As everyone knows it’s really my dream. Of course, I felt a little nervous at first but then I know itong opportunity na ito is a blessing na ibinigay ni Lord,” sabi ni Nisperos.
Tubong Davao ang 20-anyos na outside hitter at unang nag-aral sa Ateneo de Davao bago naglaro para sa Nazareth School of National University at dalawang beses niyang naibulsa ang Season MVP plum.
- Latest