^

PM Sports

Navymen itutuloy ang ratsada sa Stage 6

Nilda Moreno - Pang-masa
Navymen itutuloy ang ratsada sa Stage 6
Si George Oconer ang muling babandera sa Navy sa Stage Six.
PM photo ni Ernie Peñaredondo

Oconer hindi bibitawan ang red jersey sa 2020 LBC Ronda Pilipinas

TARLAC CITY, Philippines — Sisikapin ni George Oconer ng Standard Insurance-Navy na mapanatiling suot ang Red Jersey sa paglarga ngayon ng 111.9-kilometer Stage Six ng LBC Ronda Pilipinas 10th anniversary race na magsisimula dito sa Kapitolyo at magtatapos sa Tarlac Recreation Center.

Pinatalsik ng 28-anyos na si Oconer sa overall individual classification si Mark Julius Bordeos ng Bicycology Shop-Army matapos makasama sa six-man Standard Insurance-Navy na unang tumawid sa meta noong Huwebes sa Stage Five.

Nagwagi si John Mark Camingao sa nasabing stage pero pareho nilang naierehistro ang tatlong oras, 12 minuto at 50 segundo sa naturang 128,5-km Lucena-Antipolo race.

May aggregate clocking na 17 oras, 43 minuto at 13 segundo si Oconer sa event na suportado ng LBC at inisponsoran ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation kasama ang Versa, 8A Performance, Print2Go, Petron, Green Planet, Bike Xtreme, Standard Insu­rance, Spyder, CCN, Lightwater, Prolite, Guerciotti, Black Mamba, Boy Kanin, Vitamin Boost, NLEX-SCTEX, Maynilad, 3Q Sports Event Management Inc., LBC Foundation at PhilCycling.

Ayon sa anak ng dating two-time Olympian na si Norberto Oconer, matagal pa ang karera kaya hindi pa niya masabi kung kaya niyang pangalagaan ang hawak na overall individual classification title.

“Marami pang puwedeng mangyari sa huling li­mang stages, kaya ayaw ko pang magsaya. Gagawin ko lang ang best ko para manalo,” ani Oconer.

Bukod kina Oconer at Camingao, ang iba pang Na­vy riders na nakasama nilang tumawid sa meta ay sina former champion Ronald Oranza (2nd), Junrey Navarra (3rd), El Joshua Cariño (4th) at Stage Four winner Ronald Lomotos (5th).

Makalipas ang apat na minuto at 30 segundo ay du­mating na pang-pito ang isa pang Navy rider na si two-time champion Jan Paul Morales.

Dominado rin ng mga Navymen ang overall individual classification dahil nasa second hanggang sixth places sina Oranza, Lomotos, Camingao, Navarra at Cariño, ayon sa pagkakasunod.

Ang nahubaran ng Red Jersey na si Mark Julius Bordeos ay nasa seventh place.

Samantala, lumayo nang todo ang Navy sa overall team classification matapos magtala ng pinagsamang 71 oras, 36 minuto at 57 segundo.

Lamang ang Standard Insurance ng malayong 23 minuto at 40 segundo sa mahigpit nilang karibal at pumapa­ngalawang 7Eleven Cliqq-Air21 by Roadbike Philippines.

Tatlong Navy cyclists din ang pumuwesto sa overall mountains classification sa pamumuno ni Cariño na may 10 points kasunod sina Navarra (6 points) at Ca­mingao (4 points).

NAVYMEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with