^

PM Sports

Petron, Generika bubuksan ang Superliga Grand Prix

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos ang ilang buwan na paghihintay, magsisimula nang pumalo ang pinakabagong season ng Philippine Superliga (PSL) Grand Prix nga­yong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Unang handog na laro ang tapatan sa pagitan ng Petron Blaze Spikers at Generika-Ayala Lifesa­vers sa alas-5 ng hapon at susundan ng bakbakang PLDT Power Hitters at Sta. Lucia Lady Realtors sa alas-7 ng gabi.

Sisimulan ng Blaze Spi­kers ang kampanya pa­ra sa inaasam na ‘three-peat’ sa pagpaparada sa mga bagong mukha sa ka­nilang line-up matapos sumailalim sa ilang bu­wang revamping ang koponan.

Aasahan ni bagong Petron head coach Emil Lontoc si American rein­forcement Khat Bell at mga natirang manlalaro na sina Aiza Maizo-Pontillas, Ces Molina at Rem Palma kasama ang mga recruit na sina Jem Gu­tier­rez, Ging Balse-Pa­bayo at Lut Malaluan.

Samantala, hindi magpapahuli ang Generika-Aya­la na tinapik ang serbisyo ni national men’s volleyball coach Dante Alin­sunurin bilang assis­tant at ba­bande­rahan ni im­port Vi­cet Campos ka­sama sina Rhea Dimaculangan, Mi­na Aganon, Eli Soyud at Chinchin Basas.

Inaasahan naman na magpapabilib ngayong import-laden conference ang bagong bihis na Sta. Lu­cia na ipaparada ang prize-recruit nilang sina Mi­ka Reyes at Jessica Ves­tal at si Canadian import Shainah Joseph na nagpakilala sa pre-season league noong nakaraang bu­wan.

Bagama’t nalagasan ng magagaling na manla­laro sa kanilang kampo ay buo pa rin ang loob ng PLDT na kakayanin ni­lang makipagsabayan sa lahat ng tropa na kasali sa liga sa pangunguna ni French import Maeva Orle katuwang sina Shola Al­varez, Aiko Urdas, Jo­relle Singh at Menchie Tu­biera.

Magkakaroon muna ng maiksing palatuntunan para opisyal na buksan ang panibagong taon ng torneo na mag-uumpisa sa alas-4 ng hapon.

 

GENERIKA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with