Out si Kai Sotto sa Mighty Sports
MANILA, Philippines — Nabawasan ng kargada ang Mighty Sports papalapit sa laban nito sa pagkawala ni Pinoy teen sensation Kai Sotto mula sa kanilang roster para sa 31st Dubai International Basketball Tournament ngayong linggo.
Inanunsyo ng koponan kahapon ang desisyon ni Sotto na umatras sa naturang torneo dahil sa logisitical at scheduling issues sa US kung saan siya kasaluku-yang sumasailalim sa intensive training para sa kanyang NBA dream.
Lilipad na ngayon ang Philippine representative patungong Dubai para sa annual invitational tourney na lalarga mula Enero 23 hanggang Pebrero 1.
Sa pagkawala ng 7’2 tower prodigy, aasa si coach Charles Tiu kina dating Gilas Pilipinas naturalized player Andray Blatche, resident import Renaldo Balkman at gayundin sa mga young guns nitong sina Thirdy Ravena at Dave Ildefonso.
Idinagdag din ng Mighty Sports sa koponan kamakalawa si no.1 PBA overall pick Isaac Go ng Columbian upang lalong palakasin ang youth brigade nila kasama sina Juan at Javi Gomez De Liano, Jamie Malonzo, Jarrell Lim, Joaqui Manuel at Mikey Williams.
Kasali rin ang iba pang reinforcements na sina Jelan Kendrick at Mc-Kenzie Moore gayundin ang mga beteranong sina Gab Banal, Beau Belga at Joseph Yeo sa Alex Wongchuking-owned franchise na suportado rin ng Creative Pacific of Bong Cuevas, Go For Gold, Oriental Game at Gatorade.
Makakasagupa ng Mighty sa Dubai competition ang UAE National Team, Al-Itihad ng Syria, Beirut Sports Club ng Lebanon at Rades ng Tunisia sa Group B.
Nasa Pool naman ang kampeon na Al Riyadi at ang Hoops Club ng LeBanon, Al Wathba ng Syria, Sala ng Morocco, Alexandria ng Egypt at American University of Dubai.
Hangad ng Mighty na malalagpasan ang third place finish nito noong 2019 upang maging kauna-unahan ding koponan sa labas ng Middle East na magwagi sa naturang torneo. (=
- Latest