10-sport na nag-ambag ng tig-isang ginto
MANILA, Philippines — Hindi man kasing dami gaya ng ibang sports ang naiuwing gintong medalya, mahalaga pa rin ang ambag ng 10 sport na tig-isang gold para makatulong sa overall championahip ng Pilipinas sa katatapos lamang ang 30th SoutheaSt Asian Games.
Kabuuang 149 na gintong medalya ang nakuha ng Pilipinas-- kasama ang 117 pilak at 120 tanso-- tatlong ginto galing sa mga team sport na softball, baseball at rugby 7s, tatlo sa mga traditional sport na pekcak silat, squash at lawnbowl dagdag pa ang ambak ng canoe/kayak, lawn tennis, archery at swimming.
Tampok ang tagumpay ng Philippine women’s softball team na pinatunayang sila ang nag-iisang reyna sa sports na ito sa buong rehiyon nang itarak nito ang ika-10 sunod na SEAG title.
Nagtagumpay rin ang Philippine men’s baseball team at ang men’s rugby team na Volcanoes.
Naka-isang gold din ang Pinas sa mga traditional sport na pencak silat mula kay Edmar Tacuel sa men’s seni tunggal event, squash mula sa trio nina Jemyca Aribado, Robert Andrew Garcia at Reymark Bergonia; lawn bowl mula kina Rodel Labayo at Angelo Morales sa men’s pair category at kurash mula kay Hernie Macaranas sa 200m men’s canoe.
Matapos ang isang dekada ay nanalo ng ginto ang swimming sa SEAG record breaking performance ni James Deiparine sa men’s 100-meter breaststroke.
Nanalo rin ang pares nina Francis Alcantara at Jeson Patormbon ng gold sa tennis doubles nang talunin nila ang mga kapwa Pinoy netters na sina Treat Huey at Ruben Gonzales sa finals.
Ang mag-asawang Paul Marton dela Cruz at Rachelle dela Cruz ay nanalo rin ng gold sa archery.
- Latest