^

PM Sports

Philippine taekwondo sumipa ng 8-golds

Russell Cadayona - Pang-masa
Philippine taekwondo sumipa ng 8-golds

MANILA, Philippines – Isa ang taekwondo sa mga sports events na pinagkunan ng mga gintong medalya ng Team Philippines sa 30th Southeast Asian Games.

Binanderahan nina Pauline Lopez at Samuel Morrison ang pag-angkin ng mga Pinoy jins ng kabuuang walong ginto, siyam na pilak at apat na tansong medalya para sa overall title sa taekwondo competition.

Noong 2017 SEA Games sa Malaysia ay kumolekta lamang ang mga Pinoy jins ng kabuuang dalawang gold, tatlong silver at apat na bronze medals para sa ikaapat na puwesto.

Ang 23-anyos na si Lopez ang unang kumubra ng gold medal sa taekwondo competition na idinaos sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Ito ay matapos niyang talunin si Chhoeung Aliza ng Cambodia, 10-3, sa finals ng women’s under-57-kilogram event ng women’s kyorugi.

Noong 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia ay bronze medal lamang ang nakolekta ni Lopez sa kanyang kampanya sa 62kg division.

Inangkin naman ni Morrison ang kanyang ikatlong sunod na SEA Games gold makaraan ang dominanteng 30-8 demolisyon kay Joshua Abdullah ng Malaysia sa men’s under-80kg class ng men’s kyorugi.

Ang iba pang tumubog ng gintong medalya sa kanilang mga dibisyon ay sina Dave Cea (men’s 74kg) at Kurt Bryan Barbosa (54kg).

Sa poomsae event, apat na gold medals ang ibinulsa ng mga Pinoy mula sa mga tagumpay nina Jeor-dan Dominguez (men’s freestyle), Rodolfo Reyes, Jr. (men’s recognized), Jocel Lyn Ninobla (women’s re-cognized) at ang men’s recognized team nina Reyes at magkapatid na Dustin Jacob Mella at Raphael Enrico Mella.

 

PHILIPPINE TAEKWONDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with