UAAP Cheerdance competition ngayon
MANILA,Philippines — Magsasalpukan para sa inaasam na titulo ang walong school-based cheering squads sa inaabangan taunang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Cheerdance Competition ngayong araw sa Mall of Asia Arena sa Pasay.
Target ng defending champions na National University Pep Squad na madagit ang back-to-back nitong korona sa cheerdance competition, na kanilang nagawa noong 2014.
May kabuuang limang titulo ang NU Pep Squad sa loob ng anim na taon, kaya’t umaasa ang Bustillos-based cheerdancers na muli nilang mapapahanga ang mga manonood at mga tatayong hurado sa kanilang ipapakitang performance.
Nakumpleto ng Bulldogs ang kanilang pagbabalik sa tuktok ng kumpetisyon noong 2018 edition nito sa likod ng kanilang “Coco” inspired number, na nagpabagsak sa 2017 champs na Adamson Pep Squad.
Pangwalo sa mga magtatanghal ang reigning champions at para kay NU coach Ghicka Bernabe mas maganda ang nasa huli sila ngayon dahil mahirap aniya kontrolin ang emosyon ng mga bata kung sila ang mauuna.
“Eight is better than one pagdating sa performance. Somehow nung na-experience namin as first performers before, kahit gaano kami kahanda, I can’t control the emotions of my kids, I can’t control ‘yung scenario,” pahayag ni Bernabe.
Unang sasalang ngayong taon ang De La Salle University Animo Squad, University of the East Pep Squad at University of the Philippines Pep Squad - na huling nag-kampeon noong 2012.
Magpapakitang-gilas naman ang Blue Babble Battalion ng Ateneo de Manilla University kasunod ang last year’s runner-up na Far Eastern University Cheering Squad; Adamson University Pep Squad; at pang-pito naman ang University of Santo Tomas Salinggawi Dance Troupe.
- Latest