^

PM Sports

Magandang ensayo sa Motolite

Pang-masa

MANILA, Philippines — Naitarak ng Motolite ang ikatlong sunod nitong panalo matapos ang magaang panalo saPacificTown-Army Lady Troopers, 25-21, 25-23, 25-14 para pagandahin ang record sa ikaapat na puwesto ng Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Naiposte ng Motolite ang ika-10 nitong panalo sa 15 asignatura habang patuloy naman ang pagsadsad ng Lady Troopers sa torneo sa 6-9 record sa no-bearing game na ito .

Pabida sa tropa si da-ting University of the Philippines (UP) ace player Tots Carlos nang magrehistro ito ng double-double finish na 14 puntos, 10 digs at 5 receptions habang nagparamdam din sina veteran skipper Myla Pablo at Isa Molde na tumipak ng 14 at 10 marka, ayon sa pagkakasunod.

Sigurado na sa semifinal round, mas pagtutuunan na ng pansin ng Motolite na tapusin ng maganda ang elimination round sa huling laro nito kontra sa undeafeted na Creamline Cool Smashers (14-0) sa Miyerkules.

“Today’s victory was good and it makes us happy and as I’ve said before it’s not about being in the Final Four, it’s about finishing our position,” ani Motolite head coach Godfrey Okumu. “That’s what we are thinking, that’s what are we trying to work.”

Nakipagsabayan pa ang PacificTown-Army sa Motolite sa unang dalawang sets bago umariba sina Carlos at Molde sa third set para iposte ang 20-9 na ratsada at dalhin ito sa 24-11 pero lumaban pa rin Lady Troopers nang makaligtas sila ng four match points sa tulong ng mga atake ni Jem Gutierrez hanggang sa tapusin ng down the line hit ni Molde ang laro.

Nakabawi naman ang Air Force Lady Jet Spikers nang lampasuhin nila ang nagkukumahog na Chef’s Classics Lady Red Spikers, 25-15, 25-17, 25-20. FJ

MOTOLITE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with