1st round na-sweep ng Ateneo Blue Eagles
MANILA, Philippines — Winalis ng Ateneo Blue Eagles ang first round matapos ilampaso ang UP Fighting Maroons, 89-63 sa Season 82 UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Nanguna para sa Blue Eagles si Angelo Kouame na nagtala ng 19 points, 15 rebounds at 7 blocks, habang sumuporta naman sina Matt Nieto, Will Navarro at Thirdy Ravena na may 18, 14 at 13 markers, ayon sa pagkakasunod, upang lalong humigpit ang kanilaang kapit sa liderato at layuan ang pumapangalawang UP Maroons na may 5-2 karta.
“I thought our guys played fairly and methodically,” sabi ni coach Tab Baldwin. “We didn’t get carried away with the crowd and the emotions. After all, it’s just a regular season game.”
Mula sa 35-31 halftime lead, lumaki ito ng hanggang 27 puntos, 89-62, mula sa tres ni Tyler Tio ilang tikada ang natitira sa third quarter matapos ma-eject si UP head coach Bo Perasol sa 6:23 ng third quarter dahil sa tuluy-tuloy na pagrereklamo sa non-calls ng mga referees.
Nauwi sa wala ang 15 at 14 markers, ayon sa pagkakasunod, nina Kobe Paras at Javi Gomez De Liano para sa Fighting Maroons.
Sa unang laro, sinan- dalan ng UE Red Warriors kay Alex Diakhite na nagsalpak ng 22 puntos, 13 rebounds kasama pa ang tatlong steals at tatlong supalpal upang ungusan ang NU Bulldogs, 78-72 para umangat sa 2-5 at ibaon ang NU Bulldogs sa kulelat na posisyon sa 2-5.
Nakaramdam ng kaba ang Red Warriors matapos maibaba ng ng Bulldogs ang kanilang 10-point advantgage at makalapit sa 68-69 sa huling 3:26 minuto ng fourth period.
Ngunit nagtulong sina Neil Tolentino at Alex Diakhite para muling ilayo ang UE sa 73-68 may 2:35 minuto na lang tungo sa panalo.
- Latest