^

PM Sports

BWC national finals pamumunuan ni Nepomuceno

Pang-masa

MANILA, Philippines — Bibitawan ngayon ang five-day Bowling World Cup national finals sa Coronado Lanes.

Kabuuang 80 men at 43 ladies ang mag-aagawan sa titulo pati na sa tiket sa international event na nakatakda sa Nob­yembre 16-24 sa Palembang, Indonesia.

Pamumunuan nina four-time World Cup champion Paeng Nepo­mu­ceno at highest center final scorer Kenneth Chua ang kompetisyon sa men’s division.

Sasabak sila sa 12 games na magsisimula sa alas-10 ng umaga, ha­bang ang mga lady fi­na­lists, babanderahan nina 2017 BWC interna­tional winner Krizziah Tabora at seasoned campaigner Liza del Ro­sario, ay lalahok sa 10 games bukas.

Base sa kabuuang pin­falls, ang top 34 men at top 34 ladies ay papa­sok sa second day sa Setyembre 10 (men’s) at Setyembre 11 (ladies) sa Superbowl.

Tangan ang kanilang mga iskor, magpapagulong ang 34 ladies ng 10 pang laro at ang 34 men ay maglalaro pa ng 12 kung saan magkakaroon ng lane changes matapos ang bawat laro.  

Ang total pinfalls ang magdedetermina sa aabante sa top 8 ladies at men na muling maglalaro ng 8 games para malaman ang top 4 na lalaban sa semifinal at final rounds.

NEPOMUCENO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with