^

PM Sports

Laguna nagdomina sa athletics event ng Batang Pinoy Finals

Francisco Cagape - Pang-masa

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Philippines — Humakot ang Laguna Pro­vince ng kabuuang pi­tong golds, apat na sil­vers at isang bronze para muling dominahin ang athletics event sa 2019 Ba­tang Pinoy National Finals sa Ramon V. Mitra Jr. Sports Complex.

Pinamunuan ni Mag­vrylle Chraus Matchino ang Laguna mula sa kanyang apat na ginto at isang pilak.

Nagwagi si Matchino sa girls’ 2,000 steeplechase at tinulungan ang ko­ponan sa 4x100m relay  at sa 4x400m relay.

Ang ibang ginto ni Matchino ay mula  sa 1,500m run at pumanga­lawa kay Lheslie De Li­ma ng Camarines Sur sa 800m run.

Nagbigay ng isang gold at isang silver si James Brylle Ballester, anak ng dating national team member na si Allan Ballester.

Pumapangalawa naman ang Camarines Sur sa athletics sa kanilang 3-2-1 gold-silver-bronze haul at ikatlo ang Pangasinan sa 2-6-5.

Matapos ang pitong araw na aksyon ay na­ma­yani si Aldrener Igot Jr. ng Cebu City na may walong gintong medalya sa archery event mula sa team event, mixed, 20m, 30m, 40m, 50m at FITA.

“Sabi ko sa sarili ko, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para sakali mapansin at makapasok sa national team,” sabi ni Igot.

May limang ginto at isang pilak ang 11-an­yos na si Naina Tagle ng Dumaguete sa archery.

Umani rin ng limang ginto at isang pilak si gym­nast Karl Eldrew Yu­lo ng Ma­nila.

Lumangoy ng tig-li­mang gold me­dals sina Aubrey Tom ng Cainta, Rizal, Marc Du­la ng Pa­raña­que at John Alexander Talosig ng Co­tabato.

 

 

BATANG PINOY FINALS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with