^

PM Sports

Ika-6 sunod na panalo asam ng Tornadoes

Pang-masa

MANILA, Philippines – Susubukan ng Foton Tornadoes na maiposte ang ika­­anim na sunod nilang panalo, habang gagawin na­man ng Generika-Ayala Lifesavers ang lahat para ma­kabawi sa pagpapatuloy ng second round eliminations ng 2019 Philippine Superliga All-Filipino Conference sa The Arena sa San Juan City.

Maghaharap sa main game ang dalawang tropa nga­yong alas-6 ng gabi.

Sasamantalahin ng Tornadoes ang momentum na kanilang bitbit matapos walisin ang PLDT Home Fibr Power Hitters 25-21, 25-21, 25-15 sa huling laro nito noong Huwebes.

Muling sasandalan ni coach Aaron Velez ang magkapatid na sina Dindin Santiago-Manabat at Jaja Santiago na nanguna sa kanilang tropa sa huling laro na may 14 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Kahit na maganda ang ipinapakita ng kanyang mga bata sa pagpapatuloy ng liga, kailangan pa rin nilang gawin ang lahat para mas maging kapani-paniwala sa mga fans ang kanilang mga ginagawa.

“Satisfied pero marami pa kaming kailangan gawin. Hindi kami puwedeng makuntento kasi ngayon. May mga bagay kaming wino-work out as a group kumbaga kailangan mas convincing pa parati ‘yung dapat naming gagawin,” sabi ni Velez.

Samantala, susubukan naman ng Lifesavers na makabawi at mas mapatatag pa ang kapit nito sa third spot ng team standings matapos ang three-straight setback nito kontra sa Petron.

Gaya nung first round, hindi nagawang makabalik at makaganti ng Lifesavers ni coach Sherwin Meneses sa second round nang walisin sila ng Blaze Spikers, 26-24, 25-12, 25-19 noong Martes sa Strike Gym sa Bacoor City.

Kakapitan muli ng Generika-Ayala ang kapitana nilang si Angeli Araneta ka­sama sina Patty Orendain, Fiola Ceballos, April Rose Hingpit, Ria Meneses at Kath Arado.

Bubuksan ang double-header game sa labanan ng Cignal at Sta. Lucia na parehong nabigo na makakuha ng panalo sa huling laro sa alas-4 ng hapon.

Napadapa ng Petron ang HD Spikers sa loob ng limang sets, 25-17, 25-21, 11-25, 17-25, 10-15, habang winalis naman ng F2 Logistics ang Lady Realtors, 25-22, 25-3, 25-12. Fergus E. Josue, Jr.

TORNADOES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with