^

PM Sports

McCullough vs Jones

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Mukhang nakakita na uli ng bagong resident import ang San Miguel Beer sa katauhan ni Chris McCullough.

Pero ito ay mangyayari kung hindi makakatanggap uli ng tawag si McCullough mula sa NBA. At mukhang ito rin ang kaparehong kalagayan ni Terrence Jones sa TNT KaTropa.

Agad nanumbalik ang kisig at kikig ng mga Beermen sa pagdating ni McCullough – na cool at easy sa paghatid ng 47-point game na sinundan ng 37-point outing sa kanyang unang dalawang laro sa local pro league.

At dahil sa dalawang sunod na panalo kontra sa NLEX at Phoenix Pulse, balik sa mainit na laban sa quarterfinals ang San Miguel.

Rain or Shine at Meralco ang kanilang huling dalawang laro sa elims. Kung magagawa nilang pahabain ang kanilang ratsada, maaari silang tumapos sa Top Six at makapuwesto sa best-of-three sa quarterfinal round.

Nasungkit na ng TNT KaTropa at NorthPort ang dalawang spots na tatangan ng twice-to-beat advantage sa quarterfinals.

Pero ngayon pa lamang, marami na ang may prediksyon na maghaharap sa magandang playoff showdown sina McCullough at Jones.

Exciting na matchup na ito sa pagitan ng dalawang dating NBA top draft selections.

Pareho silang versatile forward – mahaba pero may range na marunong din umatake facing the basket.

Pero sa ngayon, mahirap pang hulaan ang mga magbabakbakan sa unang round ng postseason play.

Nagdedelikado na hindi masama sa playoff cast ang Phoenix (4-6), Alaska Milk (4-6) at Meralco (3-6). Nasa bingit na ng alanganin ang Columbian Dyip (3-7) samantalang matagal ng out ang NLEX (2-8).

 

MCCULLOUGH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with