^

PM Sports

Manilla Santos-Ng lalaro sa Creamline?

Chris Co - Pang-masa
Manilla Santos-Ng lalaro sa Creamline?

MANILA, Philippines — Tila may comeback na niluluto si dating De La Salle University standout Manilla Santos-Ng matapos makita sa training ng reigning Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference champions Creamline Cool Smashers.

Sa kumakalat na video sa social media, nakitang pumapalo si Santos-Ng sa training kung saan kitang kita na may porma pa rin ito at lakas na nasilayan noong nasa collegiate level pa lamang ito.

Hindi ito ang unang pagkakataon na sumalang sa training si Santos-Ng.

Nakita na itong nagsasanay kasama ang Cool Smashers noong Abril.

Dati nang inihayag ni Santos-Ng na nais nitong makapaglaro sa professional league base sa panayam kay Creamline player Fille Cainglet-Cayetano.

“I really want to play that’s why I’m training with the team. But then again, it depends if I can make it. We can’t force it if I really can’t make it,” ani Santos-Ng sa kanyang naunang panayam.

Kilalang-kilala si Santos-Ng noong nasa UAAP pa ito kung saan tinulungan niya ang Lady Spikers na masungkit ang kampeonato noong Season 71 kung saan itinanghal din itong Best Receiver at Most Valuable Player.

Binigyang pagkilala ng La Salle ang naiambag ni Santos-Ng sa unibersidad nang iretiro ang kanyang jersey number na 14 para samahan sina Kurt Bachmann, Lim Eng Beng at Renren Ritualo na mga atletang binigyan ng retirement ang kani-kanyang jersey numbers.

Matapos ang kanyang collegiate years, naging abala si Santos-Ng sa kanyang career. Nakapag-asawa ito at nagkaroon ng dalawang anak. Isang professional makeup artist din si Santos-Ng.

MANILLA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with