^

PM Sports

SMB, Magnolia nag-ensayo kahit eleksyon

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Maging ang eleksyon kahapon ay hindi naka­pigil sa paghahanda ng San Miguel at Magnolia para sa Game Seven ng kanilang 2019 PBA Phi­lippine Cup Finals bukas.

Ito ay matapos magsa­nay ang Beermen at Hotshots sa kalagitnaan ng gi­nanap na mid-term elections sa buong bansa.

Upang malabanse ang kanilang responsibilidad sa propesyon, karera at sa bayan, magkaibang atake naman ang ginawa ng da­lawang koponan.

Ang mga players ng San Miguel ay bumoto muna sa kani-kanilang mga lugar sa umaga bago sumalang sa ensayo sa Ac­ropolis Gym sa Quezon City kinahapunan.

“Nag-practice pa rin kami. Pagkaboto namin, diretso na kami sa practice,” ani Beermen head coach Leo Austria na ba­ga­ma’t tubong Quezon Pro­vince ay botante sa Quezon City.

Ayon kay Austria, wa­lang panahon ang kanyang koponan para magpahinga lalo’t hu­ling laro ng serye bukas na siyang makakapagsa­bi kung ma­kukubra ni­la ang ma­ka­saysayang ika-­li­mang su­nod na All-Filipino Cup title.

“Ayaw naming mag­ka­hiwa-hiwalay muna. Tapusin na natin ito hanggang Wednesday. I think with this win, the mo­mentum is on our side. We hope na ma-sus­tain namin itong panalo namin,” pagtatapos ni Austria.

Ang Hotshots naman sa kabilang banda, ay nagsanay muna sa uma­ga sa Ronac Gym sa San Juan City bago umuwi sa kani-kanilang lugar upang bumoto sa hapon.

“Kailangan naming mag-practice bago kami bu­moto,” ani Magnolia coach Chito Victolero.

Hawak ang 3-2 ba­raha, tsansa na sana ng Hotshots na tapusin ang serye subalit nadale sila ng 98-86 panalo ng Beermen sa Game Six upang mapuwers sa Game Se­ven ang dwelo.

“It boils down to one game. Do-or-die game on Wednesday. We’re still positive,” wika ni Victo­lero.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with