^

PM Sports

Kayod pa rin sa all-star break

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Malalim na pag-iisip ang gagawin nina coaches Chito Victolero, Yeng Guiao at Pido Jarencio samantalang puwede munang mag-inat-inat ang iba pang coaches habang nasa All-Star break ang PBA.

Sina coaches Louie Alas at Caloy Garcia ay mag-e-enjoy sa kanilang unang pagkakataon na paghawak ng koponan sa All-Star Game. Isa sa kanila ay malalagay sa record book na triumphant sa kanyang All-Star coaching debut.

Samantalang, pwede pang magkape-kape muna sina coaches Tim Cone, Bong Ravena at Leo Austria dahil isang linggo pa naman bago sila sumalang sa best-of-three quarterfinals.

Sina Victolero, Guiao at Jarencio ay patuloy ang trabaho dahil nasa bingit pa ng alanganin ang kanya-kanya nilang playoff bid.

Maghaharap ang Magnolia at NLEX gayundin ang  NorthPort kontra sa Barangay Ginebra sa pagtatapos ng elims sa Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.

Pasok na sa quarterfinals ang Magnolia, pero kailangan pa nilang pumukpok upang masungkit ang puwesto sa best-of-three quarterfinals. Kung matatalo sila sa NLEX ay maaari pa silang magtapos bilang No. 7 o No. 8 kung saan haharapin nila ang koponang may twice-to-beat advantage sa quarters.

At mas kailangan magpursiging manalo ang NLEX at NorthPort para makausad sa quarterfinals na hindi na dadaan sa isang knockout playoff.

Matamang magmimiron ang Alaska Milk sa mga laro sa Miyerkules. Hangad nila ang talo ng NLEX at NorthPort – o kahit sino sa kanila – upang makapuwer-sa ng playoff para sa huling quarterfinal berth.

***

Kung mananalo ang Magnolia kontra sa NLEX, dalawang eksplosibong best-of-three quarterfinals ang maikakasa sa pagitan ng Ginebra at Magnolia gayundin ang TNT at SMB.

Ang malaking palaisipan pa ay ang makaka-match up ng Phoenix at Rain or Shine.

“Kung lumusot kami at Rain or Shine ang makatapat namin, sila naman ang padadalhan namin ng pansit,” biro ni Jarencio.

ALL-STAR BREAK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with