^

PM Sports

Manuel maglalaro sa Mighty Sports

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bagong pinto kaagad ang nagbukas para kay Jett Manuel, isang araw ma­tapos ang maaga niyang pagreretiro mula sa PBA.

Ito ay matapos siyang kunin ng club team na Mighty Sports para sa paparating na 2019 Dubai International Basketbaall Championship sa Peb­rero.

Makakasama ng 26-anyos na si Manuel si­na Gab Banal, Joseph Yeo, Ginebra resident im­port Justin Brownlee, dating NBA player na si Lamar Odom at Chinese Basketball Association (CBA) import na si Randolph Morris.

Posible ring idagdag ang mga UAAP stars na sina Santi Santillan ng La Salle at Juan Gomez De Liaño ng University of the Philippines sa koponang gagabayan ni coach Charles Tiu.

Magugunitang noong Biyernes ay inanunsyo ng dating UP standout na si Manuel ang pagrereti­ro niya sa Ginebra isang taon lang matapos mapili bilang 12th overall pick noong 2017 PBA Annual Rookie Draft.

Ayon kay Manuel, hindi ito madaling desis­yon para sa kanyang pa­milya para maituon niya ang atensyon sa propes­yon bilang lisensyadong Civil Engineer.

“It was definitely short, but definitely sweet. Choosing to retire was not easy but I’m excited for everything that lies ahead,” aniya.

“I’ll always be connected to the game of bas­ketball, but in diffe­rent form this time.”

Magiging part-time lamang ang paglalaro ni Manuel sa Dubai tourney lalo’t mula 7 hanggang 16 ng Pebrero lamang ito magaganap.

Ito ang ikalawang be­ses na maglalaro sa in­ternational stage si Ma­nuel dahil sumalang na rin siya para sa Mighty Sports sa parehong Dubai Tournament noong 2017 gayundin sa Chooks to Go Pilipinas sa FIBA Asia Champions Cup sa parehong taon.

Mapapasabak ang Mighty Sports sa siyam na iba pang koponan tulad sa pangunguna ng host team na United Arab Emirates na ipaparada ang kanilang national bas­ketball team.

Kasama rin ang palabang mga koponan na Al-Nasr mula ng Libya, As Sale ng Morocco, Es Rades ng Tunisia, Al Ahly at Al Zamalek ng Egypt gayundin ang Al Riyadi, Homentmen at  Al-Hikma ng Lebanon.

 

MANUEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with