^

PM Sports

Adducul kukunin ng Elite bilang big man coach

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Adducul kukunin ng Elite bilang big man coach
Ang retirado nang si PBA big man Rommel Adducul.

MANILA, Philippines — Isang beteranong big man ang nakatakdang du­magdag sa coaching staff ng Blackwater para sa misyong maipagpatuloy ang pagpapakitang-gi­las sa 2019 Philippine Bas­ketball Association sa susunod na taon.

At ito ay ang da­ting Barangay Ginebra player na si Rommel Adducul na planong kunin ng Elite bilang big man coach pa­ra sa 2019 PBA Philippine Cup na magsisimula sa Enero 13.

Tanging pirma na lang ng 42-anyos na si Addu­cul sa kanilang alok na coaching job ang hinihintay ng Blackwater ma­nagement.

Mayroon ng inisyal na kasunduan ang dalawang panig na inaasahang ma­isapinal pagkatapos ng Christmas break dahil na­sa ibang bansa pa si Ad­du­cul.

Bilang isang big man coach, si Adducul ang ma­­totokang patigasin at pa­lakasin ang frontcourt ng Blackwater na sina James Sena, Rabbah Al Hu­saini, Raymar Jose, Mac Belo at Abu Tratter kung sakaling maaprubahan ang trade sa pagitan ng Blackwater at NLEX.

Sa ngayon kasi ay na­kabinbin pa sa PBA ang trade proposal na magtutulak kay JP Erram patu­ngong Road Warriors kapalit ng fourth draft pick na si Paul Desiderio at se­venth pick na si Tratter.

Kumpyansa ang Elite management na malaki ang maitutulong ni Addu­cul sa Blackwater lalo’t so­lid ang basketball resume nito.

Bago maglaro sa PBA, sa National Collegiate Athletic Association mu­na nagdomina ang 6-foot-6 na si Adducul na na­ging bahagi ng makasaysayang ‘five-peat’ ng San Sebastian Golden Stags mula 1993 hanggang 1997 kung kailan din siya nakasungkit ng da­lawang Most Valuable Pla­yer awards.

Nagpatuloy ang kanyang pamamayani sa ama­­teur leagues na Me­tro­politan Basketball As­so­ciation at Phi­lippine Bas­ketball League bago ma-draft bi­lang No. 2 overall ng Gi­nebra noong 2003 PBA Ro­okie Draft.

Sa Gin Kings kung saan siya nabansagang “The General” ay nagkampeon si Adducul ng dalawang beses gayundin sa Purefoods ng isang be­ses.

Naglaro rin ang four-time PBA All-Star at one-time Mythical Team member sa Powerade at Globalport bago nagreti­ro noong 2013.

Sa kasalukuyan ay nag­sisilbi ring head coach ang Cagayan-native na si Adducul kay Topex Ro­binson sa Lyceum Pirates sa NCAA.

vuukle comment

ROMMEL ADDUCUL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with