Embiid nagpakita ng lakas sa panalo ng 76ers sa Clippers
PHILADELPHIA — Gusto ni star center Joel Embiid na maging NBA MVP at Defensive Player of the Year ngayong season.
Ipinakita niyang seryoso siyang gawin ito.
Humakot si Embiid ng 41 points at 13 rebounds para pangunahan ang 76ers sa 122-113 panalo laban sa Los Angeles Clippers.
Ito ang ikaanim na laro na nagtala si Embiid ng higit sa 30 points at 10 boards.
“It’s great,” sabi ni Embiid. “It’s just about being aggressive and staying within the concepts of the system.”
Nag-ambag si Ben Simmons ng 14 points at 11 assists, habang tumapos si Markelle Fultz na may 12 points, 9 boards at 5 assists para sa 5-0 record ng 76ers sa kanilang tahanan.
Kumamada si guard Lou Williams ng 26 points sa panig ng Clippers, habang may 25 at 24 markers sina Danilo Gallinari at Tobias Harris, ayon sa pagkakasunod.
Sa Charlotte, kumolekta si Russell Westbrook ng 29 points, 10 assists at 8 rebounds at nakabalik ang Oklahoma City Thunder mula sa 19-point deficit sa third quarter deficit para resbakan ang Hornets, 111-107.
Nagdagdag si Alex Abrines ng 25 points kasama ang limang three-pointers para sa Thunder.
Sa Boston, nagpasabog si Kyrie Irving ng 28 points tampok ang anim sa franchise-record na 24 3-pointers ng Celtics para talunin ang Milwaukee Bucks, 117-113.
Tumipa si Gordon Hayward ng season-high na 18 points para sa Boston.
Sa Atlanta, nagsumite si De’Aaron Fox ng mga career highs na 31 points, 15 assists at 10 rebounds para sa una niyang career triple-double sa pagbibida sa 146-115 pagdurog ng Sacramento Kings sa Hawks.
- Latest