^

PM Sports

Korver babalik sa 76ers kapalit ni Bayless

Pang-masa
Korver babalik sa 76ers kapalit ni Bayless
Kyle Corver at Jerryd Bayless

PHILADELPHIA - Inilaro ni Kyle Korver ng Cleveland ang unang apat at kalahating seasons ng kanyang career sa 76ers kung saan siya naging isang fan favorite dahil sa 3-point shooting niya.

Sampung taon na ang nakakalipas sapul nang magsuot si Korver ng uniporme ng Philly, ngunit ang pagbabalik sa 76ers ang maaaring gawin ng 15-year NBA veteran.

Napag-usapan ng Philadelphia at Cleveland ang pagdadala ng Cavaliers kay Korver sa 76ers kapalit ni Jerryd Bayless.

Si Korver ang inaasahang sasalo sa iniwang puwesto ni Marco Belinelli, pumirma kamakailan sa San Antonio Spurs bilang isang free agent.

Plano na ng Philadelphia na i-trade si Bayless, tatanggap ng $8.57 mil-yon sa huli niyang season.

Makakakuha naman ang 37-anyos na si Kor-ver ng $7.56 milyon nga-yong season at $7.5 milyon sa susunod na taon.

Sa nakaraang season ay No. 6 siya sa 3-point percentage (43.6 percent) at apat na beses pinangunahan ang liga sa 3-point percentage sa kanyang career (2009-10, ’13-14, ’14-15, ’16-17).

vuukle comment

JERRYD BAYLESS

KYLE KORVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with