^

PM Sports

Dandan sa UAAP magko-concentrate

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagbitiw na sa kanyang puwesto bilang head coach ng Columbian Dyip si Ricky Dandan matapos ang kampanya ng koponan sa idinaraos na 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup.

Inanunsyo niya ito sa online kamakalawa ng gabi.

“This is to officially announce my resignation as head coach of the Columbian Dyip in the PBA. I have arrived at this decision after much thought and consideration,” ani Dandan.

Nagsilbi sa dalawang conferences si Dandan nang manahin ang coaching job sa Columbian (da-ting KIA) buhat nang magbitiw din sa puwesto si Chris Gavina sa simula ng 2018 Philippine Cup.

Sa ilalim ng kanyang gabay ay nagkamal ng 5-15 na kartada ang Columbian sa dalwang conferences ngunit inamin ni Dandan na ipinagmamalaki niya ang kanyang koponan.

Matapos kasing mabokya sa 2017 Governors’ Cup, 0-11 at makaisa lamang sa 2018 Philippine Cup, 1-10 ay umangat sa 4-7 baraha ang Dyip nga-yong komperensya.

Sa katunayan ay may pag-asa pa sanang makapuwersa ng three-way tie ang Dyip ngunit ang kanilang mas mababang quotient bunsod ng mga tambak na kabiguan ang tuluyan nang nagtanggal sa kanila sa kontensyon.

Sa kabila nito ay lubos ang pasasalamat ni Dandan sa Columbian management na pinamumunuan ni Team Governor Bobby Rosales at Team Ma-nager Joe Lipa.

Sa ngayon, inamin din ni Dandan na igugugol niya ang kanyang panahon sa pagbabalik bilang top deputy ni coach Bo Peralso sa University of the Philippines.

“My personal decision now is to concentrate all my attention, effort and energy full time on helping coach Bo Perasol and the UP Fighting Maroons in our quest for Final Four in the forthcoming UAAP Season,” aniya.

Isa sa paboritong makapasok sa Final Four sa paparating na Season 81 ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) lalo’t makakapaglaro na si Bright Akhueti matapos ang one-year residency buhat nang lumipat mula sa University of Perpe-tual Help System-Dalta noong nakaraang taon.

Makakasama ni Akhuetie sa misyon na iyon ng UP ang 1-2 guard combo nina Paul Desiderio at Jun Manzo gayundin ang sophomore na si Juan Gomez De Liaño at Will Gozum na dating National Collegiate Athletic Association (NCAA) juniors Most Valuable Player na si Will Gozum ng Mapua.

RICKY DANDAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with