^

PM Sports

Espejo hinugot ng Japanese team

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dadalhin ni five-time UAAP MVP Marck Jesus Espejo ng Ateneo de Manila University ang kanyang talento sa Japan.

Ito ay matapos kunin ang mahusay na outside hitter bilang reinforcement ng Oita Miyoshi Weisse Alder na naglalaro sa top notch Japanese volleyball league.

Tiwala ang Oita Miyoshi Weisse Alder na ma­laki ang maitutulong ni Espejo sa kanila.

Maituturing na scoring machine si Espejo na ka­yang makalikom ng puntos sa open spot gayundin sa backline.

Armado rin ang 6-foot-2 wing spiker ng pamatay na jump serve.

Magsisimula ang kontrata ni Espejo sa White Eagle sa Setyembre 1 hanggang Mayo 5, 2019.

Naglaro na sa Pilipinas ang Oita Miyoshi Weis­se Alder noong 2014 Asian Men’s Volleyball Cham­pionships na ginanap sa iba’t ibang venues sa Maynila kung saan nagtapos ang koponan sa pang-13 puwesto.

Nagsimula ang Oita Miyoshi Weisse Alder no­ong 2004 kung saan nasa ika-limang puwesto ito sa local league.

Umangat sa No. 1 ang Oita Miyoshi Weisse Al­der noong 2005 at na-promote sa top league V1 na siyang nilalaruan ng tropa hanggang sa kasalu­kuyan.

Maganda ang record ng White Eagle na nagkampeon noong 2005-2006, 2014-2015 at 2016-2017, habang pumangalawa ang koponan noong 2013-2014, 2015-2016 at 2018-2019.

vuukle comment

MARCK JESUS ESPEJO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with