^

PM Sports

Balak idiretso ng Zark’s-Lyceum

Pang-masa

MANILA, Philippines – Tangka ng Zark’s Burger-Lyceum na ituloy hanggang Finals ang kanilang ‘cinderella run’ sa clinching Game 2 ng 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Developmental League Aspirants’ Cup semi-finals ngayon kontra sa Marinerong Pilipino sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nakatakda ang harapan sa main game sa alas-4 ng hapon kung saan may tsansa ang Jawbreakers na masungkit ang unang silya sa Finals matapos bulagain sa Game One ang Skippers.

Nabaon hanggang 16 na puntos ang Zark’s noong Game One ngunit hindi nawalan ng loob nang hu-mabol ito hanggang sa maitakas ang manipis na 90-87 na tagumpay sa overtime.

Ang panalong iyon ang nagpatunay sa never say die mantra ng koponan at siyang nagdugtong din sa impresibo nilang cinderella run sa Aspirants’ Cup matapos ang tatlong sunod na do-or-die wins.

Ranggong ikaanim papasok ng playoffs,  nalagay sa alanganin ang Zark’s kontra sa terserang Centro Escolar University na may tangang twice-to-beat na bentahe sa quarterfinals na kanilang binura upang maka-abante sa semis.

At ngayon, matapos ang isa na namang pambihirang tagumpay sa Game One, isang panalo na lang ay aabante na sila sa Finals bilang pinakamababang seeded team sa playoffs.

Sisiguraduhin ni Coach Topex Robinson na hindi madudulas pa sa kanilang kamay ang pagkakataong iyon lalo’t ayaw na nilang pahiritin pa ng sudden death Game Three ang Marinerong Pilipino.

Sa kabilang banda, paghihiganti naman ang nais ng Marinerong Pilipino upang makapuwersa ng Game Three.  Ngunit hindi iyon magiging madali dahil hindi nila makakasama ang pambatong gwardiya na si Renzo Subido.

Ayon sa opisyal na pahayag ng koponan  kahapon, hindi na umano pinayagan si Subido na maglaro ng kanyang mother school na University of Santo Tomas upang makasama ito sa paghahanda nila sa nalalapit na University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 81.

Malaking dagok iyon para sa Skippers dahil nagre-rehistro ang point guard na si Subido ng 10.2 puntos, 1.9 rebounds at 1.5 assists kada laro para sa koponan.

Bunsod nito, maiiwan sa kamay nina Billy Robles at Rian Ayonayon gayundin kina Abu Tratter at Gab Banal ang kargada para sa Skippers kasama na rin ang beteranong si assistant coach Denok Miranda na in-activate sa roster ng koponan sa playoffs.

Samantala sa unang laro, hawak ang 1-0 abante, nais ding makumpleto ng Che’Lu Bar and Grill-San Sebastian ang pagsilat nito sa top seed na Akari-Adamson.

Ginimbal ng Revellers ang Akari, 70-60 sa Game 1 sa likod nina Jeff Viernes, JayR Taganas, RK Ilagan, Samboy De Leon at Allyn Bulanadi. (ADimasalang)

ZARK’S BURGER-LYCEUM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with