Okay naman si Jaypee Mendoza
MANILA, Philippines - Ipinakita ni Jaypee Mendoza ang isang thumbs-up sign sa loob ng Alaska dressing room para tiyakin na walang grabeng nangyari sa kanya matapos ang masamang bagsak sa kanilang laro ng Rain or Shine noong Miyerkules.
Isinakay si Mendoza sa stretcher kung saan ni-lagyan ang kanyang leeg ng immobilizer, ayon kay Aces’ team physician Facundo Sun.
“The first thing we did was to check his extremities, his movements. On the court, we all got nervous. It was scary,” wika ni Sun.
Sinuri ng medical staff ang EMS (electronic muscle stimulator) sa leeg ni Mendoza pati na ang balikat at likod at gumamit ng laser treatment para kontrolin ang pananakit ng kanyang leeg.
Dahil sa biglaang pagbagsak ay nanigas ang muscle sa leeg ni Mendoza.
“Hindi ko maigalaw ang leeg ko. Hindi ko maia-ngat. Kinabahan talaga ako,” sabi ni Mendoza sa pag-alala niya sa nangyari kay Purefoods player Eugene Tejada sa kanilang laro ng Red Bull noong 2006.
Ang nasabing aksidente ang pumutol sa PBA career ni Tejada.
Sa huling 26.1 segundo sa fourth quarter ay bumagsak sa sahig ang 6-foot-3 na si Mendoza matapos makuha ang defensive rebound sa mintis ng Rain or Shine.
Dinaganan din siya ni Elasto Painters guard Jericho Cruz.
“Pumasok agad sa isip ko yung nangyari kay (Eugene) Tejada,” wika ni Mendoza na nasa high school pa lamang nang mangyari ang aksidente kay Tejada sa Ynares Center sa Antipolo.
“Kinabahan talaga ako. Natural madami kang maiisip,” dagdag pa ni Mendoza, ang asawa ay walong buwang buntis para sa kanilang ikalawang anak.
“I thank the Lord na hindi serious ang injury. I feel better now.
Lumapit siya sa akin. Nag-sorry siya. Hindi naman sinasadaya,” ani Mendoza kay Cruz.
- Latest