^

PM Sports

Last push

BELT AND RUN - Nelson Beltran - Pang-masa

Apat na laro ang natitira sa PBA Philippine Cup elims, at limang koponan ang hahataw ng huling diin para sa kanilang final positions sa paparating na playoffs.

TNT vs Magnolia, Rain or Shine kontra Barangay Ginebra at San Miguel Beer opposite NorthPort ang tatlong natitirang laro na may bearing sa karera para sa playoff seedings.

Kasalukuyang solo leader ang NLEX na tumapos na may 8-3 card pero walang kasiguruhan kung makukuha ang top spot dahil may tsansang tumabla ang SMB, Magnolia at Ginebra na pawang nasa 7-3.

Ang Rain or Shine at TNT (parehong nasa 6-4) naman eh habol pa ang mabulabog ang Top Four.  Nariyan din ang Converge na pwede rin makatabla sa 7-4.

Selyado para sa NLEX, SMB, Magnolia at Ginebra ang pinag-aagawang premier spots kung pawang makukuha ng mga Beermen, Hotshots at Gin Kings ang kanilang huling laro.

Lahat eh habol ang Top Four finish para sa pinag-aagawang twice-to-beat advantage sa quarterfinals.

Meralco (6-5) ang nag-iisang koponan na plantsado na ang seeding sa No. 8.

Pero wala ni isang quarterfinals matchup ang kasado na sa kasalukuyan.

Bahagya lang lilinaw ang playoff picture pagkatapos ng bakbakang TNT kontra Magnolia ngayong gabi sa Ninoy Aquino Stadium.

At umaatikabong sabong pa rin ang pagsasara ng elims sa Sunday sa Ynares Center sa Antipolo lalo na ang paghaharap ng Ginebra at Rain or Shine sa kahulihang laro.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with