^

PM Sports

Lady Blazers kampeon

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na pinatagal ng College of Saint Benilde ang laban, sinikwat na nila ang pang-apat na sunod na kampeonato matapos kalusin sa tatlong sets ang Letran 25-19, 25-22, 25-19 sa Game 2 finals ng NCAA Season 100 women’s volleyball tournament  na nilaro sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan, kahapon. 

Magandang sendoff ito ng Lady Blazers para sa kanilang team captain na si Francis Mycah Go na huling taon na niyang paglaro sa collegiate league.

Kasamang dadalhin ng graduating student na si Go sa susunod na yugto ng kanyang volleyball career ay ang individual awards na kanyang natanggap ngayong season.

Nahirang na season Most Valuable Player si Go at Finals MVP kaya masayang iiwanan nito ang kanyang teammates.

Pinamunuan nina Go at Zamantha Nolasco ang pagratrat nila sa Lady Knights kaya naman nakuha agad nila ang panalo sa unang dalawang sets.

Desidido ang Taft-based squad na tapusin na ang laban kaya hindi na nila pinaporma ang Letran sa third frame.

Nirehistro nina Go at Nolasco ang tig-siyam na puntos subalit si Clydel Mae Catarig ang nahirang na Best Player of the Game matapos magtala ng 11 markers mula sa 10 attacks at isang block para sa CSB na pinahaba ang kanilang pamamayagpag.

Pinamunuan ni Cristy Ondongan ang opensa ng Lady Blazers sa nilistang 13 points kasama ang 10 kills, dalawang blocks at isang service ace.

Taong 2022 (Season 97) nagsimula ang title run ng Lady Blazers.

Si Sheena Vanessa Sarie ang Rookie of the Year.

 

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with