RC Cola-Army wagi sa Cignal
MANILA, Philippines - Tinalo ng RC Cola-Army ang Cignal, 25-16, 25-9, 25-23 sa huling araw ng eliminations ng 2016 Philippine Superliga Grand Prix kahapon sa San Juan Arena.
Tumapos ng may 17 puntos si Jovelyn Gonzaga para pamunuan ang Lady Troopers sa panalo.
Matapos matalo ng dalawang set, bumawi ang Cignal at binawasan ang kanilang mga errors para makapagtala ng 10-6 na kalamangan sa third set na kanilang naging pinakamalaking bentahe sa kabuuan ng laro.
Hindi naman nagpadaig ang all-local line-up ng RC Cola-Army at nakuha nilang muli ang lamang sa iskor na 24-22, matapos ang makailang-ulit na pagtabla ng Cignal sa pangunguna ni Gonzaga, na siya ring pumalo ng huling puntos ng laban.
Nakatulong rin sa panig ng Lady Troopers ang 27 errors ng HD Spi-kers at ang 8 service aces, 4 dito ay itinala ni Genie Sabas sa second set kum-para sa 1 lamang ng Cignal.
Nagtapos sa 4-6 na rekord ang RC Cola-Army para manatili sa ikaapat na puwesto, kung saan makakalaban nila ang Generika sa isang knockout playoff match sa Linggo.
Nagtala naman ng tig-7 puntos sina Laura Schaudt at Janine Marciano para sa Cignal na nahulog sa ilalim ng standings taglay ang 1-9 na rekord.
Makakatapat naman ng Cignal ang third place na F2 Logistics sa kanilang sariling knockout playoff game sa Linggo rin. (FML)
- Latest