^

PM Sports

Soyud binigyan ng pagkakataong magpasikat ng NLEX

Pang-masa

MANILA, Philippines - Minsan pang pinatotohanan ni dating UP Fighting Maroon’s center Raul Soyud ang kasabihang ‘Kapag may tiyaga, may nilaga.”

Makaraan ang dalawang taon bilang reserve player ng NLEX ay binigyan ang 6-foot-6 front court player ng isang two-year deal na nagkakahalaga ng P3.24 milyon.

Tatanggap si Soyud ng P120,000 bawat buwan para sa darating na season kasunod ang P150,000 sa 2017-18.

Ayon kay Danny Espiritu, ang agent/manager ni Soyud, may nakitang potensyal si coach Yeng Guiao sa kanyang player sa ensayo ng Road Warriors.

“He’s shooting three-pointers in practice. He may be developed by coach Yeng to be like Beau Belga at JR Quiñahan,” wika ni Espiritu kay Soyud.

Hindi napabilang ang 31st pick noong 2014 Rookie Draft sa NLEX roster sa nakaraang dalawang seasons.

Samantala, wala pang ibinibigay na kontrata ang Globalport para kay Slam Dunk King Rey Guevarra, umalis para maglaro sa FIBA 3-on-3 Tour sa Dubai.

Hindi pa nakakapagdesisyon si coach Franz Pumaren kung magagamit niya ang dating Letran Knight.

Nakuha ng Batang Pier ang signing rights ni Guevarra mula sa Meralco bilang kapalit ni Joseph Yeo.

Sa kampo naman ng Star ay hinugot ni coach Chito Victolero sina Alvin Abundo at Samboy de Leon, kapwa galing sa Centro Escolar University at naglaro para sa Café France sa PBA D-League.

Ang 5-foot-9 na si Abundo ang papalit kay Jio Jalalon kapag kinailangan ang huli ng Gilas Pilipinas.

Magiging back-up naman si De Leon, hindi pinapirma ng Star noong nakaraang taon, nina Allein Maliksi at PJ Simon sa No. 2 spot.

RAUL SOYUD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with