^

PM Sports

PBA teams nagkasundo sa Gilas players drafting

STARTALK - Pang-masa
PBA teams nagkasundo sa Gilas players drafting
Si Mac Belo (ikatlo mula sa kaliwa) kasama sina Jammer Jamito (#7), Raphael Banal (#2) at Ryan Arambulo (#4) sa PBA Draft Combine.

MANILA, Philippines - Matapos ang ilang oras na deliberasyon ay nagkaroon ang PBA Board of Governors ng resolusyon kaugnay sa paraan ng pagpili sa mga players ng Gilas Pilipinas sa darating na 2016 Rookie Draft.

Napagkasunduan ng 12 koponan na pumili ng tig-isang Gilas member base sa kanilang pangangaila-ngan at hindi na gagamitin ang special draft.

“It was approved by the Board that each PBA team shall pick one player from the Gilas pool based on a pre-determined order,” sabi ng PBA Board sa isang official statement. “The selection of the Gilas players shall precede the drafting of the other players in the regular draft.”

Ang mga nasa Gilas Pilipinas pool ay sina Mac Belo, Arnold Van Opstal, Kevin Ferrer, Ed Daquiaog, Jio Jalalon, Mike Tolomia, Roger Pogoy, Russell Escoto, Von Pessumal, Carl Bryan Cruz, Alfonso Gotladera at Matthew Wright.

Malalaman lamang ang pangalan ng Gilas player na napili ng isang PBA team sa mismong PBA Rookie Draft sa Linggo sa Robinson’s Place sa Ermita.

Gagawin ang announcement sa isang alphabetical order kung saan mauuna ang Alaska at magtatapos sa TNT Katropa.

Ang 23-anyos, tubong Midsayap, Cotabato na si Belo, gumiya sa Far Eastern University Tamaraw sa korona ng nakaraang UAAP season, ang tinatarget ng lahat ng PBA teams.

Si Belo ang bumandera sa kampanya ng Gilas Pilipinas 5.0 ni coach Josh Reyes sa nakaraang 2016 FIBA Challenge Cup sa Tehran, Iran.

Nanguna ang 6-foot-4 power forward sa dalawang skills test ng 2016 PBA Draft Combine sa Hoops Center.

Sa regular draft ay ang Blackwater ang hihirang sa No. 1 overall pick. (RC)

GILAS POOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with