^

PM Sports

Kumpleto na ang mga koponan sa FIVB WCWC

Pang-masa
Kumpleto na ang mga koponan sa FIVB WCWC
Ang mga international volleyball idols na sasabak sa 2016 FIVB Women’s Club World Championship kasama sina local players Rachel Anne Daquis at Mika Reyes sa isang road show sa Robinson’s Place-Manila.

MANILA, Philippines - Tumuloy ang Bangkok Glass at Hisamitsu Springs Rio sa Diamond Hotel kahapon para kumpletuhin ang mga koponang sasabak sa FIVB Women’s Club World Championship na inihahandog ng PLDT at magsisimula bukas sa Mall of Asia Arena.

Dumating sa bansa ang mga Thais at Japanese mula sa Bangkok at Osaka, ayon sa pagkakasunod, at handang-handa nang makipag-tuos sa mga elite club teams sa nasabing world-class tourney na inorganisa ng Philippine Superliga at Eventcourt katuwang ang TV5, Petron, Asics, BMW at F2 Logistics bilang sponsors, Diamond Hotel bilang official residence at Turkish Airlines  bilang official airlines.

Pinalakas ng mga Asian superstars na sina Pleumjit Thinkaow, Thi Ngoc Hoa Nguyen, Wilavan Apinyapong, Pornpun Guedpard at American Ashley Frazier, hangad ng Asian champions na magdo-mina sa kanilang world debut at ialay ang bawat panalo sa namatay ni-lang haring si Bhumibol Adulyadej.

Magsusuot ng puting uniporme ang Bangkok Glass sa kabuuan ng torneong suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), Rexona, Mall of Asia Arena, Foton at Price Waterhouse Cooper.

Ipaparada naman ng Hisamitsu Springs Rio sina Olympians Miyu Nagaoka at Yuki Ishii kasama sina Risa Shinnabe at Risa Ishibashi.

Makakaharap ng mga Thais at Japanese sina Rio Olympics Most Valuable Player Zhu Ting, Lonneke Sloetjes, Kim Hill at Naz Ayde-mir Aykol ng VakifBank Istanbul; Tijana Bosko-vic, Thaisa Menezes at Titiana Kosheleva ng Eczacibasi VitrA Istan-bul; at sina Foluke Akinradewo, Olesia Ry-khliuk at Mariana Costa ng Volero Zurich.

Ipaparada naman ng South American powerhouse na Rexona-Sesc Rio sina Anne Bujis, Carol, Gabi at Juicely at itatampok ng European champion na Pomi Casalmaggiore sina Rio Olympics bronze meda-list Carli Lloyd, Jovana Stevanovic at Valentina Tirrozi.

“The level of competition and star power of this event could match – or even surpass – that of the Olympic Games,” pahayag ni local organizing committee chairman Philip Ella Juico matapos ang top level meeting na pinamunuan nina honorary president Sen. Alan Peter Caye-tano, organizing committee president Shanrit Wongprasert at director general Ramon Suzara kahapon sa Diamond Hotel tungkol sa antas ng torneo.

BANGKOK GLASS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with