^

PM Sports

Kakaibang UAAP opening ceremony ipapalabas ngayon ng Uste

Pang-masa
Kakaibang UAAP opening ceremony ipapalabas ngayon ng Uste
A German philosopher once said, “Without music, life would be a mistake.”
Photos by Avee Navarro Tan

Kaganapan ngayon

(UST Quadricentennial Pavilion Arena)

2 p.m. – Ballroom Dance Competition

(Plaza Mayor)

5:30 p.m. – Opening

Ceremony/Concert

MANILA, Philippines - Ipapamalas ngayong hapon ng Season host University of Santo Tomas ang kanilang ipinagmamala-king mala-Olympics na palabas sa idaraos na opening rites ng UAAP Season 79 na paiinugin sa tema ng pagdiriwang na “Dare to Dream”.

“It will be very simple opening ceremonies this year,” wika ni UAAP Season 79 president Fr. Ermito de Sagon.

Sa ikalawang pagkakataon ay muling magdaraos ng outdoor opening ceremony ang liga kung saan inihiwalay nila ang pagbubukas ng opening event nilang basketball gaya ng ginawa noong 2011 nang mag-host ang Ateneo at ganapin ang seremonyas sa Marikina Sports Complex.

Mauunang idaos bago ang opening rites na magsisimula ng alas-5:30 ng hapon sa Plaza Mayor sa loob mismo ng UST campus sa Manila, ang unang  ballroom dancing competition na uumpisahan ng alas-2:00 ng hapon sa  UST Quadricentennial Pavilion Arena.

Ilulunsad bilang demo sport sa taong ito, lahat ng miyembrong schools maliban sa Far Eastern University ay lalahok sa kompetisyong nabanggit.

“We thought we’ll try to start it differently. We thought of having the cheerdance to start the season. Ballroom dancing was added to the opening ceremony to make things ‘more interesting’,” ayon pa kay De Sagon.

Magiging bahagi naman ang mga student-athletes mula sa iba’t ibang mga sports disciplines ng walong mi-yembrong eskuwelahan ng opening rites.

Ipapakita ng mga UAAP athletes ang sarili nilang version ng tradis-yunal na “Thomasian Welcome Walk”.

Para matiyak na hindi maaantala at mapipigil.ng anumang sitwasyon ng panahon ang event, nag-lagay ang pamunuan ng UST ng translucent co-vers sa kabuuan ng Plaza Mayor upang hindi mabasa ang mga atleta kahit bumuhos ang ulan.

Isusunod naman agad matapos ang opening ce-remony ang isang concert sa parehas ding venue.

Samantala, uumpisahan ang aksiyon sa men’s basketball bukas ng hapon sa Smart Araneta Coliseum pagkatapos ng unang dalawang matches sa women’s division sa umaga. (FML)

 

vuukle comment

ZOMBIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with