4 archers target ang Rio Olympics
MANILA, Philippines - Magpipilit ang isang four-member Philippine team na makatudla ng ti-ket para sa Rio Olympics sa kanilang pagsabak sa Archery World Cup Stage 3-Olympic Qualifying event sa June 12-19 sa Antalya, Turkey.
Hangad ni London campaigner Rachel Anne Cabral-de la Cruz na muling makapaglaro sa Olympiad sa women’s recurve kasama si Kareel Meer Hongitan, habang lalahok naman sina Youth Olympics mixed event gold medalist Gab Moreno at veteran Florante Matan sa men’s recurve.
Kumpiyansa ang World Archery Philippines na makakakuha ang mga Pinoy archers ng Olympic berths matapos ang kanilang two-month training sa Sevilla Archery Range sa Quezon City.
Simula nang makapana si Jennifer Chan ng tiket sa 2000 Olympics sa Sydney ay regular nang nakakapagpadala ang bansa ng mga archers sa Olympiad.
Ang mga ito ay sina Jasmine Figueroa (2004 Athens), Mark Javier (2008 Beijing) at sina Javier at Dela Cruz (2012 London).
Ang mga archers na nakakuha na ng Olympic berths para sa Rio Games sa pamamagitan ng World and Continental Cham-pionships ay hindi na lalahok sa Antalya qualifiers.
Samantala, lalahok naman si veteran Amaya Paz-Cojuangco sa women’s compound, isang non-Olympic event, sa nasabing Antalya competition.
Umaasa rin ang golfer na si Dottie Ardina na makalaro sa Rio Olympics via backdoor, bilang reserve player matapos malaglag sa top 60 ng Symetra Tour na bibigyan ng slot sa Rio.
Sa katunayan, hiniling na ng Rio Organizers sa Philippine Olympic Committee na mag-fill-up ng accreditation si Ardina na tatlong taon nang kumakampanya sa Symetra Tour.
- Latest