Lesnar magbabalik sa UFC 200 sa Las Vegas
MANILA, Philippines – Matapos ang limang taon ay muling makikita ang katauhan ni dating heavyweight champion Brock Lesnar sa UFC 200 sa Las Vegas, Nevada sa susunod na buwan.
Bagama’t tiniyak ni UFC president Dana White ang pagbabalik ni Lesnar sa Octagon sa Hul-yo 9 ay wala pa siyang inihahayag na kalaban para sa 38-anyos na dating UFC heavyweight king.
Si Lesnar, nanggaling sa WWE, ay isa sa mga pinakamalaking pay-per-view stars sa UFC history matapos magtala ng bagong record para sa promotion sa kanyang eight-fight MMA career at bilang professional wrestler.
Napanalunan niya ang UFC heavyweight title matapos pigilin si Randy Couture sa kanyang ikaapat na laban at matagumpay na nakapagdepensa kontra kay Frank Mir sa record-setting na UFC 100 noong 2009.
Ngunit noong 2010 ay inagaw kay Lesnar ni Cain Velasquez ang korona kasunod ang kanyang kabiguan kay Alistair Overeem makaraan ang 14 buwan.
Nagbalik si Lesnar, hindi lumaban sa UFC bunga ng kanyang injuries, sa WWE noong 2012 at lumaban hanggang 2015.
Inihayag ng WWE na mapapanood pa rin si Lesnar para sa promos-yon ng SummerSlam sa Agosto 21 matapos ang kanyang UFC bout.
- Latest
















