^

PM Sports

Carry over sa Super 6 paglalabanan

Pang-masa

MANILA, Philippines – Patuloy na nakakalusot ang mga dehadong kabayo kaya patuloy din ang pagkakaroon ng mga carry overs lalo na sa mga exotic bettings.

Ngayong gabi ay target natin ang P149,376.97 carry over sa super six na mailalarga sa ikalawang karera kasabay ng paboritong winner take all.

Nailarga na sana ang carry over na ito noon pang Enero 20, 2016 pero nagkaroon ng mga late scratches na nauwi sa pagkakakansela ng super six.

Ang kumbinasyon sana noon ay 3-2-5-9-1-7 na binuo rin ng mga kabayong Kuya Yani, Ideal View, Ni Haow, Swerteng Lohrke at Just Joking pero kinapos ng mga entries kaya awtomatikong nakansela ang super six.

Nauna nang na-scratch ang Simply Elegant na papatungan sana ni Val Dilema. Nagkaroon ng patayaan sa super six pero bago mailarga ang naturang karera ay nadagdagan ang scratch -Combaton na gagabayan sana ni R.C. Landayan.

Ang orihinal na pinagmulan ng carry over ay naganap sa ikalawang karera ng Enero 20, 2016 nang walang nanalo sa kumbinasyong 10-8-6-4-11-13 na binuo ng mga kabayong sina Conquista Roll, Jazz Goldheart, Papaplsdontflirt, Amiable Leighla, Jenz Slasher at Pure Joy.

Tanging ang Conquista Roll at Amiable Leighla ang pasok sa top four favorites na at mga matitinding dehado na sina Jazz Goldheart, Papaplsdontflirt, Jenz Slasher at Pure Joy.

Ngayong gabi ang ikalawang karera ng Philracom-PRCI New Year Racing Festival na kinuha sa special race-16. Pagpipilian ang Swing It Baby, Fireworks, Action Sailor, Too Sexy For My Love, Tricky Charlize, My Queen, Wise Ways, Raon, Penny Perfect at Genvoltz.

Posible ang pagkakaroon ng panibagong carry over sa super six kung ang dalawa sa mga dehadong si Swing It Baby, Fireworks, Tricky Charlize, Big Leb at Genvoltz ay makakapasok sa kumbinasyon.

Ang inaasahang magiging liyamado rito ay ang My Queen ni Mark M. Gonzales, Wise Ways ni J.V. Ponce, Raon ni A.G. Avila, Action Sailor ni J.B. Guce at Too Sexy For My Love ni Dan Camañero. (JM)

vuukle comment

ACTION SAILOR

AMIABLE LEIGHLA

ANG

CONQUISTA ROLL

JAZZ GOLDHEART

JENZ SLASHER

MGA

MY QUEEN

PURE JOY

SWING IT BABY

TOO SEXY FOR MY LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with