Morales, nalo by landslide
MANILA, Philippines - Lumutang si businessman-sportsman Narciso O. Morales bilang runaway winner sa palakihan ng kita sa hanay ng mga horseowners habang si jockey Jonathan Hernandez naman sa hanay ng mga jockey sa 2015 racing season.
Nagposte si Morales ng 137 first-place finishes kasama ang hindi bababa sa pitong panalo sa stakes at sweepstakes races para sa kabuuang P22,691,125 kita tulad ng kanyang ginawa noong 2013.
“They (mga tao sa kanyang stable) did their homework well since Day 1 of last year’s season. This (pagiging No. 1) was the product of their hard work,” sabi ni Morales, ang napiling Most Reputable Horseowner awardee noong 2014.
Humataw naman ng husto si Hernandez sa stakes races sa mga huling buwan ng taon upang talunin si Mark Alvarez sa jockeys division sa kanyang kabuuang 182 wins at P4, 541,042 kita.
Ayon sa Philracom na pinamumunuan ni Chair Andrew Sanchez, muli namang pinangunahan ni Ruben Tupas ang trainers’ category sa kanyang 238 wins at P4,304, 095 kita habang ang Low Profile ang No. 1 sa mga kabayo sa kinitang P5,455,220 mula sa 12 panalo kabilang ang mayamang Ambassador Danding Cojuangco Cup at PCSO Anniversary race.
Isang beterano sa racing scene na maraming negosyo, si Morales ay nagtala rin ng 139 second, 138 third at 169 fourth place finishes para sa pinaka-lopsided win ng isang horseowner sa huling dalawang dekada.
Ang Juveniles Spectrum at Hot Dog kasama ang stayer na Dikoridik Koridak ang mga prominenteng kabayo ang nagdeliber para sa Morales stable.
Pumangalawa si Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos kay Morales matapos humataw noong November at December sa pamamagitan ng Gentle Strength at Malaya sa naitalang 62 wins at P13,248, 032 kita.
“We hope and pray our luck continues this year.We thank the fans for supporting our runners,” sabi ni Morales, isa sa mga lumaban kontra sa mga illegal bookies at nagpasimuno rin ng pagbabago sa handicapping system.
- Latest