Eala isinama sa Wimbledon
MANILA, Philippines — Swak si Pinay tennis sensation Alex Eala sa main darw ng 2025 Wimbledon Championships sa London.
Ito ang ikalawang main draw appearance ng World No. 77 netter sa isang grand slam tournament.
Opisyal nang isinama ang pangalan ng 20-anyos na si Eala sa entry list para sa nasabing prestihiyosong grass court tournament sa buong mundo.
Sa Hunyo 27 nakatakda ang official draw para sa Wimbledon tatlong araw bago simulan ang ikatlong grand slam tournament ngayong 2025.
Ayon sa WTA, ang isang player na isinama sa entry list ay maaaring pasok na sa main draw, nabigyan ng wild card o nakasama sa pamamagitan ng qualifying.
Ginawa ni Eala ang kanyang professional grand slam debut sa nakaraang French Open noong Mayo 25.
- Latest