Juico natuwa sa improvement ng magkapatid na Richardson
MANILA, Philippines – Nagpakita ng impresibong pagtakbo si Fil-Am Kayla Richardson, ang gold medalist sa nakaraang Southeast Asian Games at kanyang kakambal na si Kyla sa training para palakasin ang kanilang pag-asa sa darating na 2016 Rio Olympics.
Sinabi ni Philippine Athletics Track and Field Association president Philip Ella Juico base sa ulat ng kanilang father-coach na si Jeff Richardson na maaa-ring magtala ng mga bagong personal bests sina Kayla at Kyla sa 100-meter, 200-meter at 400-meter runs.
“According to Richardson, both girls have made improvements in strength and have been training with more emphasis on speed-power combination,” wika ni Juico.
Inoobserbahan ni Richardson ang 60 meter performances ng kambal at naniniwalang maaaring malampasan ng magkapatid ang 11.29 secs requirement sa100 meters para makapasok sa 2016 Olympics.
“Richardson is optimistic that Kayla will be able to qualify for the Olympics and compete in both the 100 and 200 meter runs. Richardson said that Kayla “has already run a wind legal 11.65 secs in the 100 meters and 23.6 secs in the 200 meters,” sabi ni Juico.
Ang qualifying standard para sa women’s 200 meter run ay 23.20 segundo.
Ngunit posibleng hindi makasama ang 17-anyos na si Kayla sa Philippine delegation sa paglahok sa Asian Indoor Athletics Championships sa Doha Qatar, isang Olympic qualifying event, dahil sa kanyang obligasyon sa eskuwelahan.
“Kayla has other opportunities to show her wares in many meets in the US,” wika ni Juico. (OL)
- Latest