^

PM Sports

Local riders mapapalaban sa hamon ni Lebas at 12 international teams

Pang-masa

MANILA, Philippines – Inaasahang muling mapapalaban ang mga local riders ng bansa sa pagbabalik ni French rider Thomas Lebas  na magdepensa ng kanyang korona bukod pa sa hamon ng 12 international squads sa pang-pitong edisyon ng Le Tour de Filipinas na hahataw sa Pebrero 18 hanggang 21.

Si Le­bas, kampeon noong nakaraang Le Tour, ang babandera para sa kampanya ng Bridgestone Anchor Cycling Team ng Japan katuwang sina Damien Monier, Sho Hatsuyama, Kohei Uchima at Ryu Suzuki.

Tatlong local teams ang makikipagsabayan sa mga foreign squads sa natatanging International Cycling Union (UCI)-calendared road race sa bansa na Philippine national team, 7-Eleven Road Bike Philippines at ang Kopiko Cebu Cycling Team.

Ang National squad ay babanderahan nina Ronald Oranza, John Mark Camingao, George Oconer, Ro-nald Lomotos at Jay Lampawog.

Ang mga international teams na makakaharap ng tatlong local squads ay  ang Team Ukyo (Japan), Global Cycling Team (Holland), Attaque Team Gusto (Taiwan), Black Inc. Cycling Team (Laos), Team Novo Nordisk (United States), Terangganu Cycling Team (Malaysia), LX IIBS (South Korea), Korail Cycling Continental Team (South Korea), Minsk Cycling Team (Belarus), Skydive DUbai Pro Cycling Team (UAE) at Team Sauerland P/B Henley & Partners (Germany).

Ikinatuwa naman ni Donna May Lina ng nag-organisang Ube Media Inc. ang intensyon ng 28 continental at club teams na lumahok sa Le Tour.

“The clamor of foreign teams to race in the country has grown each year that we have to turn down many of them,” wika ni Lina.

Ang mga kalahok sa Category 2.2 race (multi-stage road race) ay tatahak ng kabuuang 600 kilometro mula sa Antipolo City sa Rizal Province hanggang sa Legaspi City sa Albay na magtatampok sa Mayon Volcano bilang backdrop sa huling dalawang yugto ng karera.

Itinakda ang Stage One (153km) sa Pebrero 18 mula sa Antipolo City patungo sa Lucena City sa Quezon Province, habang ang Stage Two ay pakakawalan sa Lucena City at magwawakas sa Daet, Camarines Norte. Papadyak naman ang Stage Three sa Daet at magtatapos sa Legaspi City at ang Stage Four ay pepedal sa Legaspi City sa Albay.

ALBAY

ANG

ANG NATIONAL

ANTIPOLO CITY

ATTAQUE TEAM GUSTO

CYCLING

LE TOUR

LEGASPI CITY

LUCENA CITY

SOUTH KOREA

TEAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with