^

PM Sports

Hitik sa aksiyon ang mga pakarera ng Philracom para sa taong 2016

Pang-masa

MANILA, Philippines – Ipinalabas kamakailan ng Philippine Racing Commission ang kanilang racing calendar para sa 2016 na punung-puno ng aksiyon kung saan mas maraming  sponsored major races ngayon kaysa noong nakaraang taon.

Sisimulan ng Philracom ang taon sa pagdaraos ng Commissioner’s Cup sa Jan. 17 sa Metroturf Racecourse. Ang 1,800-meter race ay bukas sa mga 4-year old na kabayo at pataas kung saan nakataya ang total purse na P1.2 million.

May bagong 4YO stakes race na nakatakda sa Jan. 31 sa Santa Ana Park na isang bagong innovation ng kasalukuyang Commission sa ilalim ni Chairman Andrew A. Sanchez.

“We anticipate that this new type of major race will attract more bettors because they provide opportunities for local horses to shine,” aniya.

Magkakaroon din ng “3YO Locally-Bred” stakes races.

Tampok sa Pebrero ay ang  Valentine’s Day  sa San Lazaro Leisure Park – ang unang leg ng Import-Local Challenge para sa mga 4YO at pataas.

Ang Summer Racing Festival para sa lahat ng racetracks ay magsisimula sa Mar. 26 at ang aabangang  first leg ng Triple Crown para sa mga 3YO  ay sa May 15 sa Santa Ana Park.

Ang 2016 racing year ay tatapusin ng Philracom Chairman’s Cup at 3YO Imported Fillies Championship sa Dec. 11.

May 38 stakes races para sa 2016, kabilang ang dalawa na gaganapin sa Mayor Ramon D. Bagat-sing Memorial racing festival sa August.

Hindi kasama rito ang mga Philracom-sponsored stakes races para sa horseowners’ organizations na MARHO, Philtobo at Klub Don Juan de Manila gayundin ang mga charity races.

ACIRC

ANG

ANG SUMMER RACING FESTIVAL

CHAIRMAN ANDREW A

IMPORT-LOCAL CHALLENGE

IMPORTED FILLIES CHAMPIONSHIP

JAN

KLUB DON JUAN

MAYOR RAMON D

METROTURF RACECOURSE

SANTA ANA PARK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with