^

PM Sports

Williams kinilalang Female Athlete of the Year

Pang-masa

MANILA, Philippines – Ginugol ni tennis star Sere­na Williams ang taong 2015 sa pagsangga sa mga katanungan kung kaya niyang makumpleto ang Grand Slam.

Alam ni Williams na mahirap itong gawin.

“I wanted it. But ... winning one (major ti­tle) is not easy. And then, (when) you have a ‘bounty’ on your head, it’s even harder,” wika ni Williams.

“If you know anything about me, I hate to lose. I’ve always said I hate losing more than I like winning, so that drives me to be the best that I can be,” dagdag pa nito.

Ang 34-anyos na si Williams ang naging unang tennis player sa hi­git sa quarter-century na nagwagi ng apat na Grand Slam tournaments sa isang season.

Sa botohang ginawa ng mga US editors at news directors, pinili si Williams bilang The Associated Press Female Athlete of the Year sa ika­apat na pagkakataon.

Kumolekta si Williams ng 50 first-place votes at 352 points.

Tinalo niya si Carli Lloyd, ang hat trick sa finals ang gumiya sa US women’s soccer team sa World Cup title, na may 14 first-place votes at 243 points.

Pumangatlo naman si UFC star Ronda Rousey  kasunod ang tumalo sa kanyang si Holly Holm at si UConn basketball player Breanna Stewart.

Sinamahan ni Williams, nakamit ang AP awards noong 2002, 2009 at 2013, si Chris Evert bilang four-time honoree.

Ang tanging may pi­­nakamaraming AP se­lections ay si Babe Didrikson na may anim.

Nakamit ito ni Didrickson sa athletics no­ong 1932, habang ang li­ma ay para sa golf no­ong 1945-1954.

ACIRC

ANG

ASSOCIATED PRESS FEMALE ATHLETE OF THE YEAR

BABE DIDRIKSON

BREANNA STEWART

CARLI LLOYD

CHRIS EVERT

GRAND SLAM

HOLLY HOLM

RONDA ROUSEY

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with