^

PM Sports

Love, James nagbida para sa Cavaliers

Pang-masa

CLEVELAND -- Hu­makot si power forward Kevin Love ng 23 points at 13 rebounds at kumolekta si forward LeBron James ng 24 points, 9 rebounds at 5 assists para pangunahan ang Cavaliers sa 91-84 panalo laban sa New York Knicks.

Naglaro ang Knicks nang wala si forward Carmelo Anthony, ngu­nit nakahugot ng 23 points at 13 rebounds kay rookie Kristaps Por­zingis.

Nakabangon ang Knicks mula sa 11-point deficit para kunin ang una nilang bentahe ma­tapos ang tip-in ni forward Lou Amundson sa 11 minuto ng laro.

Subalit muling naka­mit ng Cavaliers ang kalamangan matapos pa­tahimikin si Porzingis sa fourth quarter.

Sa kanya namang ika­lawang laro mula sa frac­tured kneecap inju­ry ay nagtala si Cavs guard Kyrie Irving ng 5 points at 4 assists buhat sa 1-of-7 fieldgoal shooting sa loob ng 20 mi­nuto.

Nagkaroon ang Knicks na maagaw ang pa­nalo sa huling minuto ng laro.

Ang depensa ni Cavs guard Iman Shumpert kay guard Arron Affl­alo ang pumuwersa sa Knicks na tumawag ng timeout kung saan tabla ang laro sa 82-82.

Sinayang ni Knicks forward Lance Thomas ang inbounds pass na nagresulta sa basket ni Cavs guard Matthew Del­lavedova.

Matapos ito ay inaga­wan ni Shumpert ng bo­la si Afflalo kasunod ang slam dunk ni James para selyuhan ang panalo ng Cleveland.

“I’ll be happiest when we see a full roster that’s entirely healthy, but it feels good,” sabi ni Blatt. “We’ve been wai­ting for this.”

Sa New York, inu­ngu­san ni Dirk Nowitzki si Shaquille O’Neal sa sixth place sa career sco­ring list ng NBA at isinalpak ang isang go-ahead basket sa hu­ling 19.2 segundo sa over­time para ihatid ang Dallas Mavericks sa 119-118 pagtakas sa Brooklyn Nets.

Nagtumpok si guard J.J. Barea ng career-high na 32 points at season-best na 11 assists para sa Mavericks, lumamang ng 16 points sa first half.

Tumapos si Nowitzki na may 22 markers para sa kanyang 28,609 career points.

Nagdagdag naman si Wesley Matthews ng 17 markers.

Umiskor si Thaddeus Young ng season-best na 29 points sa panig ng Nets.

Sa Atlanta, kumamada si Jeff Teague ng 23  kasunod ang 18 ni Paul Millsap para ibigay sa Hawks ang 17-100 panalo kontra sa Detroit Pistons at kunin ang ika-limang sunod na panalo.

ACIRC

ANG

ARRON AFFL

BROOKLYN NETS

CARMELO ANTHONY

DALLAS MAVERICKS

DETROIT PISTONS

DIRK NOWITZKI

IMAN SHUMPERT

POINTS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with