Kerr inaasahang makakabalik sa Warriors
OAKLAND, Calif. -- Gumaganda na ang pakiramdam ni Golden State Warriors coach Steve Kerr sa pagharap niya sa komplikasyon sa kanyang back surgery.
Umaasa siyang makakabalik sa bench ng Warriors sa mga susunod na linggo.
Dumalo si Kerr sa team practice noong Lunes at Martes pati na sa shootaround ng Golden State nong Miyerkules bago ang kanilang home game kontra sa Phoenix Suns.
“What I’ve learned is that I miss it,” sabi ni Kerr sa hallway malapit sa kanilang locker room. “I’m still hoping in the next two to three weeks to be back on the bench.”
Walang ibinigay na petsa ang Warriors kung kailan makakabalik si Kerr.
“It’s great having him around, obviously,” wika ni interim coach Luke Walton kay Kerr. “He’s a phenomenal coach. The players respect him. The players love playing for him.”
- Latest