^

PM Sports

Lastimosa, Dela Cruz bumandera sa panalong Blackwater

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sila ang inaasahang babandera para sa Blackwater sa mga susunod na taon.

At ipinakita nina Carlo Lastimosa at rookie Arthur Dela Cruz na kaya nilang gampanan ang papel na iniatang sa kanila.

Umiskor si Lastimosa ng career-high na 38 points, habang tumapos si Dela Cruz ng 21 markers para banderahan ang 116-92 pagdurog ng Elite sa Barako Bull Energy sa 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Winakasan ng Blackwater ang kanilang limang sunod na kamalasan para buhayin ang tsansa sa No. 10 seat sa quarterfinal round.

“We really have to push them during practice. We kept telling them about the importance of our remaining games,” sabi ni coach Leo Isaac, nakahugot ng 15 points kay Bambam Gamalinda.

Para makamit ang pinakahuling tiket sa quarterfinals ay kailangan pang talunin ng Elite ang Star Hotshots at ang Mahindra Enforcers sa dalawa nilang huling laro.

Sa tournament format, ang Top Two teams matapos ang elimination round ang makakakuha ng outright Final Four, habang ang No. 3, 4, 5 at 6 squads ay magbibitbit ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 10, 9, 8 at 7, ayon sa pagkakasunod, sa quarterfinals.

Itinala ng Blackwater ang 19-point lead, 56-37, sa halftime bago nakalapit ang Barako Bull sa 81-91 agwat sa 5:53 minuto ng fourth quarter kung saan nagsalpak si Josh Urbiztondo ng apat na three-point shots.

Huling nakalapit ang Energy sa 83-93 sa 5:23 minuto bago magtuwang sina Lastimosa at Dela Cruz para sa pinakawalang 23-6 atake para ibigay sa Elite ang 27-point advantage, 116-89 sa huling 1:08 minuto.

Itinampok sa naturang ratsada ng Blackwater ay ang tatlong sunod na tres ni Lastimosa, dating kamador ng St. Benilde Blazers sa NCAA.

BLACKWATER 116 -- Lastimosa 38, Dela Cruz 21, Gamalinda 15, Cortez 9, Golla 9, Erram 6, Reyes 5, Cervantes 4, Sena 4, Vosotros 3, Canada 2, Agovida 0, Ballesteros 0.

Barako Bull 92 -- Wilson 23, Urbiztondo 17, Fortuna 13, Pennisi 10, Lanete 6, Brondial 5, Forrester 4, Intal 4, Monfort 4, Baracael 2, Caperal 2, Miranda 2, Sorongon 0.

Quarterscores: 26-12; 56-37; 81-66; 116-92.

vuukle comment

ANG

ARTHUR DELA CRUZ

BAMBAM GAMALINDA

BARAKO BULL

BARAKO BULL ENERGY

CARLO LASTIMOSA

DELA CRUZ

FINAL FOUR

JOSH URBIZTONDO

LASTIMOSA

LEO ISAAC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with